Sotto Voce | Michael Balili

There is a table between us (please imagine) and we are vectored in chairs like in one-act plays where conversation about anything is possible. Isn’t this bunch of artificially colored mums lovely? The vase’s strong dingbat relief? Let me count how many are upside-down. Let me tell you why four is a funny number.

There is a window and there is curtain heavy with drapery, there is an outside. Have we just gone there? Immaculate delay, what wind has contained us here? Lord what coincidences, incidences. Can we return to our former intercepts: do we want to return: where. Words scuttle and the surface’s last second is now nostalgia: I kept an instant solitude.

Help me answer fourteen across that this irony begones. Please soak the paintbrush, please make it a confession. Please arrange your thoughts autobiographically. I had an unhappy childhood. Can you die for me, I’ve died for you. I’ve seen enough  trees my life (please believe). Come in.

First published in 2005 by the UP Quill in Sitting Amok XIV

Advertisements

Ang Pinaglahuan | Camsy Ocumen

[Tunghayan dito.]


Baptism Two Point Zero | Xenia-Chloé H. Villanueva


Date | Princess F. Marasigan

Gumapang ang mga oras
patungo sa iisang itinakda. Itinupi ko ang liham
hanggang lumapat ang mga dulo ng papel
sa isa’t isa. Dito, sa binansagan kong hintayan
hindi sinasadyang mapansin
ang paglipas ng mga bagay: paglamig
ng kape sa tasa,
ang pag-upos ng sigarilyo,
ang pag-alis ng nakaupo sa kabilang mesa.
At ikaw—
sa mundo mo ng mga sinadyang pagtingin
sa orasan (nahuhuli ka na)—ang tawag mo sa lugar na ito
ay tagpuan.

Sa isip ko, paulit-ulit mo nang inilaladlad ang aking sulat.
Sa handang paraan mo ng pagbukas
ng anumang para sa ‘yo. Nang walang pagpansin
sa pagkatisod ng mga pangungusap
sa bakas ng tiklop
na likha ng sarili kong mga daliri
 

Mahal kong ­_____________,
Espasyo
Marinig mo kaya ang paghinto ng panulat
nang sandali kong pakinggan
ang alingawngaw ng pambating binitawan
sa kahungkagan ng pag-amin?
Damahin mo na lamang ang alinlangan ng tuldok
na bigyang-daan ang kawalan
na magtatagal
matapos magwakas ang bawat talata.

Sa itaas na kanang bahagi, malapit sa iyong kamay;
ika-19 ng Oktubre, Kitaan—
ang tanging petsa at lunan na paghahanapan
kung iyong pasyahin.
Sa dulo, kahanay nito ang aking pangalan
sa ilalim ng mas nagmamahal.


Gardening | Ana Marika Francisco

I.

My mother calls me from another country.
She tells me that the house she moved into
is small with blue walls and a terrace that faces the street.
It is bare and easier to move around in.
She can cover the entire corridor with two strides.

I imagine a few plants in the terrace—rhododendrons,
goldenrods, carnations—in their small pots
branching out slowly,
and wanting sunlight above all things.

At night, my mother says, it is quiet. I can see her
moving around the house ghostlike:
the roots of her white,
the lines on her face almost visible.

In the past,
from inside my room,
I would hear the floorboards creak
from under her feet.
It was as if she was checking
if everything in the house was safe,
if everyone was asleep.

In truth, she was always waiting
for the sound of the tires on the gravel,
the heavy grating of the metal gate.

II.

In their separate photographs
that hang on the walls of our house,
my father is waving from a cliff, a waterfall in the background;
my mother is among her plants with the garden hose.

When my mother calls again,
she asks where my father is.
I say he is asleep, but he really is
out on a hiking trip.

Outside, on her terrace,
the carnations are growing.

III.

My mother sends a photograph of herself
in front of her house.
To her right is the terrace
overgrown with plants.
She is in a dress, smiling.

Years ago, in the garden of our old house,

she is asking me to pick up a hobby.
She is standing in the 4 o’clock sun
a spade in one hand, a terracotta pot in another.
She is telling me the local names of plants—
Champaca, Gumamela, Cadena de Amor.

She is saying that in time
I will not be afraid to burrow my hands
deep in soil,
until the smell of the earth will not leave them.

First published by the UP Quill in 2007 in Isn’t This That Universe: Sitting Amok XVI


Mga Panuto sa Paghihintay | Camsy Ocumen

Kukuwadruhan ng lumulubog na araw ang kubo sa gitna ng bukid.
Mula sa loob, susuyurin ng babae ang mga bato at mga balat ng palay
sa bilao ng bigas sa kanyang kandungan. Papanoorin niya itong gumawa ng alon
sa ligid ng kanyang mga daliri. Iisipin niya, sandali na lang.

Iisipin niyang babalik siya.
Hahakutin niya ang mga butil sa kanyang kamay
at saka hahayaan itong umagos pabalik sa bilao.
Lalangitngit ang kubo at tila manggagaling sa likod ang ingay,
tila may papasok. Lilingon siya—
ngunit hangin lang ang siyang sasalubong.

Sa labas, walang magagawa ang bukid kundi malunod
sa tuluyang pagbuhos ng araw ng pula sa paligid.
Mula sa loob, iisipin niyang dumudugo ang bukid
o di kaya’y nasusunog.

Unang inilathala ng UP Quill noong 2007 sa Isn’t This That Universe: Sitting Amok XVI


Helena | Joshua Alejandro C. Diokno

Kahit kailan ay hindi siya tiningnan ni Boyet nang ganoon.

Kahit ilang beses pa niyang hiniling sa Mahal na Birhen. Kahit pa deboto siya. Kahit pa sinunod na niya ang pampletang dasalin na nagsasabing maglagay ng siyam na kopya nito sa loob ng siyam ding araw sa simbahang kanyang pinupuntahan. Kahit mag-alay siya ng itlog kay Santa Clara. Kahit ilang beses pa siyang magpahiwatig.

Oo, nagawa na niyang lahat na maaaring gawin ng isang Kristiyanong dalaga upang mapansin ng isang Kristiyanong binatang tulad ni Boyet. Nanatili lamang siyang dekorasyon. Wallflower. Mag-isang nakabitin sa dingding.

Kahit kailan hindi napansin ni Boyet na si Helena pala’y isang babae.

Iginawi ni Helena ang tingin sa binata ng bus na naguguhitan ng tubig-ulan, pilit na iniiwasan ang malagkit na titig ng mama sa kabilang hilera ng mga upuan. Hindi iyon ang unang beses na may tumitig na kung sinong lalaki kay Helena sa bus, palibhasa maganda ang hubog ng kanyang katawan. Mapipintog sa lahat ng tamang lugar; kapansin-pansin sa kabila ng kanyang pagsusuot ng nursing uniform: ganap na ganap ang mga dibdib, lapat na lapat ang tiyan, habang ang kanyang bewang ay tila nililok ng malalambot na kamay upang sadyang hawakan ng isang lalaki.

Matagal na silang hindi nagkikita ni Boyet. Matagal na mula nagn magkahiwalay sila sa PETA Office sa Aurora na kanyang pinanggalingan kanina lang.

Masyadong maraming kompromiso. First year pa lang tayo. Sabi nito kay Helena, nakatuon ang tingin sa kahoy na mga tabla ng sahig.

Sige good luck na lang sa application mo.

Mula noo’y ‘di na sumipot si Boyet sa mga lakaran ng barkada nila. Ang palaging rason, mahirap daw ang Malikhang Pagsulat sa U.P. Lagi raw siyang may papel na dapat tapusin. Kailangan daw laging nagsusulat.

Kalokohan! Bulalas ni Helena, hindi alintana ang kakapalan ng mga tao sa McDonald’s-Panay. Naghihintay sila ng kaibigang si Kristina ng iba pa nilang kasama, isang Sabado ng umaga. Iyon lang kasi ang tanging schedule ng kanilang barkada na nagkakasundo.

E alam mo naman ‘yun ‘di ba? Boyet knows how to sort his priorities. Masyado naman kasing physically demanding ang mga ginagawa n’yo sa MTTL. Gusto lang siguro niyang mag-focus sa pagsusulat. Grade six pa lang ay magkakilala na sina Boyet at Kristina, sa katunayan ay nagkaroon din ng maliit na crush ito sa kanya.

May focus din naman ako a! Nababalanse ko nga ang nursing at ang PETA e, tapos siya, pagsusulat lang hindi pa makapag-commit!

Hinablot ni Helena ang McFloat sa harapan niya at agad na sumipsip sa straw para maibsan ang pag-iinit ng kanyang mga tainga at pisngi.

Hindi ko naman sinasabing wala kang focus, ang sinasabi ko lang may pagka-one-track-mind si Boyet. Para siyang kabayo na nilagyan ng mga patch sa gilid ng mata, ganun.

Ubos na ang Coke sa plastic cup ni Helena. Mga yelo na lang ang natra, pero patuloy pa rin ang pagsipsip ni Helena sa straw. Bumungisngis si Kristina.

Bakit? tanong ni Helena, bahagya pa ring namumula. Ngumiti lang ang kanyang kaibigan, kumuha ng tissue upang damputin ang hita ng manok sa platong styro.

Kung gusto mo talaga si Boyet, bakit hindi mo sabihin sa kanya? sabi ni Kristina, sabay kagat sa malutong na balat.

Napakunot ang noo ni Helena, napahigpit ang kapit sa rosaryong dinadasalan nang matuklasan ang ginugunita. Naantala ang kanyang rutina, mahaba-haba pa ang biyahe at nasa Monumento palang siya. Kung gusto niya talagang makarating nang ligtas sa uuwian, kailangan niyang magdasal. Nagpreno ang bus kaya nabigla si Helena, hindi niya kasi narinig ang pagpara ng matandang babaeng katabi nagn tumayo ito. Hindi sinasadyang mapagawing muli ang tingin ni Helena sa lalaki sa kabilang upuan. Unat ang buhok nito sa nasa gitna ang hati. Malalaki ang bilugang mga mata, sarat ang ilong at manipis ang labing nanunuyot na’t nagbabalat. Kuwadrado ang hugis ng mukha nito at dahil dito’y lumilitaw siyang pangahan.

Iyon ang pagkakatulad nila ni Boyet, puna ni Helena, bukod pa sa makakapal nitong kilay.

Ngunit ‘di gaya ng estranghero, may class si Boyet.

Pusturang-pustura, modang-moda kung manamit, bagama’t mumunti kung mangusap. Kaya nga madalas siyang maging tampulan ng usap-usapan ng mga ka-teatro niya nang matanggap siya nito.

He’s a mystery. Sabi ng isa

It’s surprising na natanggap siya rito. ‘Di ba ang tahi-tahimik nyan sa klase? sundot ng pangalawa.

Lalo silang namangha nang marinig nilang kumanta si Boyet.

Mangyari noo’y itinanghal nila ang dula ni Rene Villanueva na pinamagatang Samperang Muta. Si Boyet si Carding, ang anak ng isang naghihikahos na karpintero.

Parang Martin Nievera! punto ng isa.

The Premiere Balladeer! sundot ng pangalawa.

Tuwing maririnig ni Helena sa backstage ang pag-eensayo nito sa pagkanta, pakiramdam niya’y siya ang hinaharana. Para silang may lihim na pagliligawan na tanging si Helena lang ang nakaaalam. Parang lihim na hardin na siya lang ang hinahayaang makapasok. At tulad ng isang lihim na hardin, hindi na siya nagpapasok pa ng iba.

Recruit si Boyet ni Helena mismo. Kaya nga ipinagmalaki niya ito sa adviser nila noong naghahanap sila nang maipapadala sa isang palihan ng PETA:

Naku Sir, magaling talaga yang si Boyet! Hindi lang ‘yan kumakanta, nagsusulat din siya.

Lagi niyang pinangungunahan ang adviser niya, bago pa man nito maibuka ang makakapal nitong labi, nagpatuloy si Helena,

Puwede natin siyang i-groom bilang scriptwriter natin!

Alam ni Helena na alam ni Boyet ang ginagawa niya para rito. Alam niya iyon, kahit na ni minsa’y hindi siya nakarinig ng pasasalamat mula sa kanya. Maging lang talaga sigurong matago itong si Boyet, isip ni Helena. O baka nahihiya. O baka hindi lang talaga alam kung papaano magsisimula.

Ngunit noong gabing matapos ang major production nila sa high school, may napansin si Helena kay Boyet: sa kakapalan ng mga taong nagpapalakpakan, natanaw niya itong papalapit sa kanya. May kung ano sa kanyang mga mata. May kung anong hindi niya mabasa.

Salamat ha, sabi ni Boyet nang makaharap si Helena.

Para saan? tanong nito. Nagsimulang maglaro ang kanyang mga mata sa puting linya ng entablado, pilit na iniiwas ang tingin kay Boyet.

Para sa lahat.

At kinuha ni Boyet ang kamay ni Helena. Naramdaman nito ang kanyang pag-iwas ang mga mata ng binatang mapaghanap. Nag-init ang kanyang mga tainga, nanigas ang kanyang katawan, tulad ng inaasahan niya. Pero taliwas sa sinasabi ng marami, hindi tumigil ang oras, at ‘di rin bumilis. Hindi rin bumilis ang pagtibok ng puso niya, sa halip ay naramdaman niyang umakyat ito sa kanyang lalamunan. Kailangan ni Helenang makawala sa mainit na kamay ni Boyet.

Pakiramdam niya’y mga tauhan sila sa isang dula. Mga tauhan silang nasa rurok nito at naghihintay ng kakalasan. Para matapos na. para mautas na ang kanilang pananabik. Naghihintay sila sa pagbaba ng talon upang matapos na ang pagpapanggap. Ngunit walang pagpapanggap, at alam iyon ni Helena. Walang pagpapanggap sa kanyang bahagi.

Bumaklas siya.

Wag ka nang umiyak, ‘andito na ako.

Mainit ang hininga sa tainga ni Helena. Doon lang niya napansin ang mga luhang nanatak sa mga mata niya at ang lalaki sa kanyang tabi! Nanliit siya sa kanyang kinauupuan nang makita niya ang mukha nito na kanina lang ay malayo sa kanya. Mapaghanap ang kanyang mga mata subalit may kahungkagan. Nang magtagpo ang mga mata ni Helena at mga mata ng estranghero, lalong nanlaki ang sa huli. Ngumiti siya’t nalantad ang mga ngiping naninilaw. Unti-unting gumagapang ang kanang kamay ng lalaki sa kaliwang hita ni Helena. Parang gagamba sa kanyang puting uniporme. Tinitingnan lamang niya ito at ‘di tulad ng insektong ‘di imbitado, hindi ito binugaw ni Helena. Huminga siya nang malalim at napasinghap, napapikit. Subalit nang papalapit na ang mainit na kamay sa pagitan ng kanyang mga hita, bigla siyang natauhan.

Nagalit siya.

Tama. Dahil disente siyang babae, magagalit siya.

Kaya’t kinagalitan ni Helena ang kamay na iyon. Ang lalaking nagmamay-ari nuon. Kanyang kinagalitan maging ang sarili niya. Kinagalitan niya ang sarili dahil—dahil—mag-isa siya. Mag-isa siya dahil kay boyet. Oo, kasalanang lahat ni Boyet.

Hindi na gumawa pa si Helena ng eksena. Ayaw niya ng gulo, bagama’t nalalapit na siyang pumutok. Tumayo siya at itinulak ang lalaki kaya’t nahulog ito mula sa kinauupuan. Lumipat si Helena sa pinakaharap, tumabi sa isang manang na tahimik na nagrorosaryo. Tiningnan niya ang sa kanya at napag-alamang nasa huling butil na pala siya.

Lecheng manyak! naisip ni Helena. 

***

Nagising na lang si Helena na wala na ang katabing matanda; nang maalimpungatan siya kanina lang ay parang nakita niya itong bumaba sa Karuhatan. Luminga-linga si Helena at natuklasang aapat na lamang silang natitira sa bus –wala na rin ‘ata ang lalaki. Ang tatlo’y

nagtatayuan na upang bumaba. Agad na tumayo si Helena’t dali-daling naglakad papalabas nang mapagtantong nakarating na siya sa uuwian.

Madilim na sa Malanday. Sarado na ang lahat ng tindahan. Ang tanging mga ilaw na lamang sa kalsada ay ang mga posteng malamlam na ang sindi. Tumawid si Helenang pinangingibawan hindi ng takot kundi ng pagod. Hindi na siya nagmadali pa; kanina pa kasi natapos ang pagharurot ng nagmamadaling mga sasakyan. Wala ang mambabalot sa may poste at pinagtakhan niya iyon. Siya lang kasi ang nagsisilbing bantay ni Helena sa mga ganoong oras ng gabi. Pero may bantay man o wala, patuloy siyang naglakad.

Mayamaya’y may narinig si Helena sa kanyang likuran. Dalawang paang nakikisabay sa bawat hakbang ng kanyang de-takong na sapatos. Nakiramdam siya bago tuluyang bigyan tulin ang mga hakbang niya. Nang binilisan niya ang mga lakad, ito’y bumilis din. Naramdaman ni Helena ang tila pagnanais ng kanyang puso na makawala sa kanyang dibdib. Kakaunti na lang naman ang kanyang pagbubunuan sa paglalakad, naririnig na ni Helena ang huntahan ng mga tricycle driver sa ‘di-kalayuan. Oo, kaunti na lang. Ayaw ni Helenang lumingon at salubungin ang kanyang tinatakasan. Hindi na niya kailangan pa; may hinala na siya kung sino. At sa pagmamadali ni Helena, siya’y natapilok kaya’t natapon at kumalat sa basang kalsada ang mga gamit sa kanyang shoulder bag. Naramdaman niya ang mga yabag, habang hindi magkandatuto sa pagpupulot. Dama ni Helena na para bang may mga matang naninila sa kanyang likuran. Hindi na siya nagplanong tumakbo, sa mga sandaling iyon, nalaman na niya ang kanyang magiging kapalaran. Yumuko ang lalaki sa nakasalampak na katawan ni Helena, kinabig siya at nagbulong,

Helo byutipul, dito ulit ako.

Kinaladkad si Helena ng lalaki sa madilim na bakanteng lote sa tabi lamang ng tahimik na kalsada. Damuhan na lamang ang natira sa dating gasolinahan.

Pumatong ka sa kanya Boyet. Ikaw Helena, manlaban ka dahil papatayin ka niya!

Wala si Clarissa noon, ang kapareha ni Boyet sa dulang siya mismo ang sumulat. Dahil sa stage manager si Helena, siya na mismo ang humalili rito sa pagre-rehearse ng eksena nilang dalawa. Doon sa lumang entablado ng elementary department nag-ensayo ang theater group, iyon lang kasi ang maaaring gamitin nila noong mga panahong iyon. Nairita si Boyet sa panuto ng director, alam na naman niya kasi ang gagawin. Ganoon pa man, hindi na siya nagsalita pa.

Nahiga si Helena sa marupok na sahig ng kahoy na entablado, dama pa ng kanyang likuran ang ‘di pagkakapantay-pantay ng mga tabla. Pumaibabaw sa kanya si Boyet; itinaas ang kaliwang kamay na may hawak na punyal.

Parang totoo ang galit na nakita ni Helena sa kanyang mga mata, kaya nagnais talaga siyang manlaban.

Ngunit may kung anong pumigil sa kanya kaya’t hindi niya nagawa.

Ibababa na sana ni Boyet ang punyal upang itarak sa kanyang dibdib, ngunit hindi niya rin nagawa. Sa halip ay nanatili lang sila sa kanilang posisyon, parehong naghihintay ng mga linyang lalabas sa kanilang mga bibig. Kapwa nagdamot ang kanilang mga dila kaya’t ang mga mata na lang ni Boyet ang nagwika:

Ng galit? Ng paglingap?

May laman pero hindi maintidihan ni Helena. Nilalamon na kasi ang kanyang ulo ng init na namuo sa kanyang mga tainga.

Boyet, your lines! sigaw ng director. May kung anong kumislot sa pagitan ng hita ni Boyet, akma sa tiyan ni Helena na siyang ikinagulat niya. Napahigpit ang kapit nito sa punyal at napasungaw ang nagtagpo niyang mga puting ngipin.

Wala po ako sa kundisyon.

Agad na tumayo si Boyet at nagtungo sa backstage. Hindi siya lumabas doon nang ilang minuto. Hindi naman nangahas si Helena na sundan pa ang binata.

Huwag kang sisigaw ha? sabi ng lalaki, nang takpan niya nang mahigpit ang bibig ni Helena.

Hindi nga ito sumigaw. Hindi siya sumigaw hindi dahil sa natakot siya. O dahil sa natatakpan ang kanyang bibig. O dahil sa hindi siya makahinga sa bigat ng lalaki.

Hindi sumisigaw si Helena dahil ayaw niyang sumigaw.

Gud gerl!

Pinunit ng lalaki ang puting uniporme ni Helena at nalantad ang malulusog nitong dibdib. Napangiti ang lalaki at nakita ng dalaga ang kanyang mga ngiping naninilaw. Parang gagamba ang magaspang nitong mga kamay sa katawan ni Helena, gagambang unti-unting gumagapang pababa. Napaliyad siya at napapikit nang sinimulan siyang siilin ng halik ng lalaki. At sa kanyang pagpikit, si Boyet ang kanyang nakita: ang kanyang maitim at maalong buhok, ang kanyang makapal na kilay, ang kanyang mga mata, ang kanyang ilong, ang kuwadradong mukha, ang mabikas na panga.

Kung gusto mo talaga si Boyet, bakit hindi mo sabihin sa kanya?

Gumuhit ang init mula sa tainga ni Helena papunta sa kanyang mga pisngi nang sinimulang magtanggal ng salwal ang lalaki. Napalambitin si Helena sa leeg nito nang maramdaman niya ang naghuhumindig na ari nito sa kanyang pagkababae.

Pakiramdam niya’y mga tauhan sila sa isang dula. Mga tauhan silang nasa rurok nito at naghihintay ng kakalasan. Para matapos na. para mautas na ang kanilang pananabik. Naghihintay sa pagbaba ng talon upang matapos na nag pagpapanggap.

bakit hindi mo sabihin sa kanya?

Ngunit walang pagpapanggap,

Boyet, gustung-gustu kita. Ungol nito.

At tumigil ang oras nang magsabog ng init ang lalaki sa loob ni Helena.

Unang inilathala ng UP Quill noong 2005 sa Sitting Amok XIV