Sementado | Andang Juan

    Ige
    loves
    Rosa.

Aking inilimbag
ang ating mga pangalang
gagawing permanente
ng mamasa-masang sementong
bumura
sa bukid
na dati nating inaararo.

Unang nailathala noong 1 Setyembre 2009 sa Mga Nunal sa Mukha

Advertisements