Minanikang Makina | Tilde Acuña

Tinurnilyo ko ang iyong mga
mata upang manatili ang pagtingin mo
sa akin,

minartilyo ko ang iyong isipan,
kinandado ang dibdib at maseselang
bahagi,

kinadena ang mga bisig at mga binti,
binihisan ng baluting pananggalang sa ‘yong
sariling

tinikladong programa ang mga dapat at hindi,
haram at halal, heretiko at
sagrado,

at nilagusan ng bakal ang laman, ng kurdon ang
ugat, ng algoritmo ang kukote. Minakina ang
pagkasi.

Matutunghayan ang mga dibuho’t sulatin ng may-akda sa The Carcosite.

Advertisements


. . .

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s