Date | Princess F. Marasigan

Gumapang ang mga oras
patungo sa iisang itinakda. Itinupi ko ang liham
hanggang lumapat ang mga dulo ng papel
sa isa’t isa. Dito, sa binansagan kong hintayan
hindi sinasadyang mapansin
ang paglipas ng mga bagay: paglamig
ng kape sa tasa,
ang pag-upos ng sigarilyo,
ang pag-alis ng nakaupo sa kabilang mesa.
At ikaw—
sa mundo mo ng mga sinadyang pagtingin
sa orasan (nahuhuli ka na)—ang tawag mo sa lugar na ito
ay tagpuan.

Sa isip ko, paulit-ulit mo nang inilaladlad ang aking sulat.
Sa handang paraan mo ng pagbukas
ng anumang para sa ‘yo. Nang walang pagpansin
sa pagkatisod ng mga pangungusap
sa bakas ng tiklop
na likha ng sarili kong mga daliri
 

Mahal kong ­_____________,
Espasyo
Marinig mo kaya ang paghinto ng panulat
nang sandali kong pakinggan
ang alingawngaw ng pambating binitawan
sa kahungkagan ng pag-amin?
Damahin mo na lamang ang alinlangan ng tuldok
na bigyang-daan ang kawalan
na magtatagal
matapos magwakas ang bawat talata.

Sa itaas na kanang bahagi, malapit sa iyong kamay;
ika-19 ng Oktubre, Kitaan—
ang tanging petsa at lunan na paghahanapan
kung iyong pasyahin.
Sa dulo, kahanay nito ang aking pangalan
sa ilalim ng mas nagmamahal.

Advertisements


. . .

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s